Kinagiliwan ng netizens ang post ng Engineering student na si Kyle tampok ang nasakyan nilang magkakaklase na jeep kung saan ang driver nito ay isang nanay na “solid” at “chill” daw kung magmaneho.
“Tamang Flex lang kay Nanay solid mag drive chill lang eh, nag di-drift,” caption ni Kyle sa kaniyang Facebook post.
Sa panayam ng Balita, ibinahagi ni Kyle na mula sa kanilang paaralan sa Malinta ay nakagawian na raw nilang magkaklaseng sabay-sabay na bumiyahe pa-Monumento para umuwi sa kani-kanilang mga tirahan.
Hanggang sa noong Mayo 17 ng gabi raw nang masakyan nila ang jeep ni Nanay.
“Around 7pm na ‘yon, sumakto namang may jeep na maluwag which is ‘yung jeep ni nanay, pero hindi naman namin alam na si nanay pala yung magiging driver namin, napansin nalang namin nung magbabayad na kami,” kuwento ni Kyle.
Sobrang natuwa naman daw silang magkaklase lalo na’t bihira lang daw silang makakita ng jeep kung saan isang babae ang nagda-drive.
“Sa Age po ni Nanay, ang linaw pa ng mata, saka po talaga yung pag drive po nya Chill lang po para nga po kaming nag Field trip that time po, Sayang nga po hindi na ni nanay diniretso ng Antipolo, ayaw pa naman namin bumaba sa kanya,” ani Kyle.
“Nakaka Amazed lang si nanay, Ginawa nalang naming memorable yung pagsakay sa byahe nya kaya pinapasaya namin si nanay, di naman namin akalain na mag ba-viral yung pictures,” dagdag niya.
Sa ngayon ay umabot na sa mahigit 14,000 reactions, 62 comments, at 7,400 shares ang naturang post ni Kyle.
–
Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!