Pinaiimbestigahan na ni Senator Sherwin Gatchalian ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) dahil sa umano'y mga nantalang proyekto nito.

Ayon sa senador, naghain siya ng isang resolusyon upang kumbinsihin ang mga kasamahang senador na himayin ang naantalang electric transmission projects ng NGCP.

Sinabi ni Gatchalian, vice chairperson ng Committee on Energy, anim lamang sa 16 transmission projects na ikinonsiderang Energy Projects of National Significance (EPNS) ang natapos nitong Marso 2023, sa kabila ng pagkaantala nito ng tatlong taon.

Pagdidiin ng senador, kinakatawan lamang ito ng 37.5 porsyentong completion rate, kahit bayad na ang mga proyekto.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Aniya, under construction pa rin ang 10 ENPS transmission project sa kabila ng limang taon na pagkaantala ng mga ito.

“Ang masama dito, nangongolekta na sa atin at nagbabayad na tayo ng pera sa mga proyektong hindi pa natin nakikita,” pahayag pa ni Gatchalian sa panayam sa telebisyon nitong Linggo.