Binalaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) kaugnay sa pagsasangla ng kanilang cash card o ATM (Automated Teller Machine) card.

Sa panayam sa radyo kay DSWD Secretary Rex Gatchalian nitong Sabado, binigyang-diin nito na paglabag sa cash transfer program ng ahensya ang naturang gawain.

Aniya, maaaring pagbawalang sumali sa programa ng pamahalaan ang mga benepisyaryong lumabag sa patakaran ng programa.

Nanawagan din si Gatchalian sa publiko na isumbong sa kanilang ahensya ang mga benepisyaryong nagsasangla ng ATM card upang maimbestigahan.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Kamakailan, nagbabala na rin ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na itigil na ang naturang gawain dahil posibleng mabaon lamang sa utang ang mga ito.