Ibinahagi ng aktres na si Xyriel Manabat na dumaan siya sa therapy sessions matapos kuyugin ng mga bashers dahil sa isa niyang post noon sa social media.

Sa YouTube channel ng Star Magic, tinanong siya kung may komento siyang nabasa o narinig na hindi niya nagustuhan.

Dito naibahagi ng aktres ang kaniyang karanasan noong siya ay 16-anyos pa lamang dahil sobrang naapektuhan ang kaniyang mental state dahil sa mga 'di kaaya-ayang komento ng netizens.

"Viva Max, bigyan nyo na to ng project baka naman!"

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

Dahil dito, na-overcome ni Xyriel ito at natuto siyang mag-handle ng stress at mas maging open minded sa buhay.

Matatandaang noong 2020, nag-post ang aktres sa kaniyang Instagram na nakasuot ng sando nang kuyugin siya ng mga malalaswang komento katulad ng:

"Ang liit na girl pero ang laki ng blessings sana all"

"Onlyfans?"

"POV: when you discover the power of your sexuality."

"Pinagpala ka talaga lods.hustisya sa aming mga flat"

"Grabe agua.. anlaki mo na"