Suportado ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education (CBCP-ECCCE) ang isinusulong na "Matatag Agenda" ng Department of Education (DepEd).

Ayon kay San Fernando, La Union Bishop Daniel Presto, naniniwala siyang malaking tulong ang Matatag Agenda para sa mga Senior High School na matanggap sa mga trabaho.

"Alam natin iyang Matatag Agenda ay naglalayong magbigay sa mga estudyante ng isang curriculum na mas relevant upang makapag-produce ng competent at job ready na mga graduates, at yun ang critical components na binabanggit niya, at ito ay maaring mai-apply sa mga ga-graduate ngayong taon," ani Presto, sa panayam ng church-run Radio Veritas.

Dagdag pa ng obispo, sa tulong din ng Matatag Agenda, higit na magkakaroon ng mga karagdagang kasanayan ang mga Senior High School graduate at dagdag na pagkakataon na mapalawig ang pakikipag-ugnayan sa ibat-ibang mga private businesses.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ipinaalala rin naman ni Presto sa mga estudyante na pagbutihin ang kanilang pag-aaral upang mapabilang sa mga scholarships programs na makakatulong sa kanilang pag-aaral.

"At sa tulong ng ating Poong Maykapal ang pagpapala nawa sa inyong mga graduates ng Grade 12 ay sumainyo lagi, gabayan kayo't bigyan kayo ng tatag at sipag ng Panginoon sa hinaharap na pag-aaral o pagtatrabaho o pagiging working students," pananalangin pa ni Bishop Presto sa mga magsisipagtapos na Senior Highs School.

Ang Matatag Agenda ay ang inisyatibo ng DepEd, sa ilalim ng pamumuno ni Vice-president at Education Secretary Sara Duterte, na layuning dagdagan o higit na linangin ang kakakayahan ng mga Senior High Students.

Sa taunang datos ng DepEd, nabatid na 10%lamang ng mga Senior High Graduates ang nakakapasok sa iba’t-ibang uri ng trabaho bunsod ng iba’t ibang kadahilanan.