Naglaan ng ₱1.89 bilyon ang gobyerno para sa electrification program nito ngayong taon, ayon sa Department of Budget and Management (DBM).

Paliwanag ni DBM Secretary Secretary Amenah Pangandaman, layunin ng administrasyon na pailawan ang libu-libong komunidad sa buong bansa sa pangangasiwa ng National Electrification Administration (NEA).

Isa sa mga attached agencies ng Department of Energy (DOE) ang NEA.

Sa ilalim ng 2023 General Appropriations Act (GAA), sakop ng pondo ng NEA ang pagpapatupad sa ilang mga programa nito, tulad ng Barangay/Sitio Electrification Project, Electric Cooperatives Emergency and Resiliency, at pagkakabit ng mga solar panel sa mga pampublikong gusali.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

"When we say we want to uplift the lives of the Filipino people, we mean all Filipinos, even those in the farthest barangays or sitios. And we cannot achieve socio-economic improvement in these areas if their communities remain unelectrified. Kaya siniguro po natin na may pondo ang mga programa na magpapa-ilaw lalo na sa mga malalayong lugar," ani Pangandaman.

Sa ilalim ng programa, pinakamalaking budget ang mapupunta sa brgy./sitio electrification project na may nakalaan na ₱1.68 bilyon ngayong 2023.

Idinagdag pa ng opisyal na layunin ng proyekto na pailawan ang nasa 1,140 na sitio sa buong bansa.