LINGAYEN, Pangasinan -- Nasa 140 marijuana plants ang sinunog sa Brgy. Tobuan, Labrador nitong Biyernes, Abril 14.

Matagumpay na nahanap ng awtoridad ang 500 square meter ng marijuana plantation matapos ang extensive surveillance at masusing imbestigasyon.

Nakumpiska rin sa plantasyon ang pala, sprayer, at iba't ibang klase ng fertilizers at fungicide habang naaresto naman ang dalawang marijuana cultivator-- na mahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 16 Art.II ng RA 9165.

Pinasalamatan naman ni Col. Jeff Fanged, Pangasinan PNP provincial director, ang komunidadsa kanilang suporta sa pagsasagawa ng operasyon.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol