Binalaan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang publiko laban sa nakamamatay na heat stroke sa gitna ng matinding init ngayong summer season.

“Hindi po biro ang heat stroke dahil maaari po itong magdulot ng permanent damage sa utak at iba pang vital organs tulad ng puso at kidneys, kaya iwasan po sana nating magbababad sa init," babala ni PhilHealth acting president, chief executive officer Emmanuel Ledesma, Jr. nitong Linggo.

Pinayuhan din nito ang publiko na iwasang uminom ng maiinit, katulad ng kape at tsaa dahil na rin sa matinding init ng panahon.

“Ugaliin din po nating uminom ng tubig para hindi tayo ma-dehydrate," dagdag pa ni Ledesma.

National

Pag-imbestiga ng Senado sa drug war ni ex-Pres. Duterte, magandang ideya – Pimentel

Sa pag-aaral ng United States (US)Centers for Disease Control and Prevention, ang heat stroke ay pinakaseryongheat-related illness at maaaring magiging sanhi ng permanenteng pagkabaldao magdulot ng kamatayan kung hindi kaagad mabigyan ng atensyong medikal.

“Those with the highest risk for heat stroke are the elderly, the very young, and people with chronic diseases. Dalhin po agad sa ospital ang sinumang nagpapakita ng sintomas ng heat stroke,” sabi pa ni Ledesma.

Philippine News Agency