Nagbitiw na sa puwesto si Sugar Regulatory Administration (SRA) administrator David John Thaddeus Alba dahil umano sa problema sa kalusugan, ayon sa pahayag ng Malacañang nitong Biyernes.

Sa Facebook post ng Presidential Communications Office, binanggit na nagtungo si Alba sa tanggapan ni Executive Secretary Lucas Bersamin nitong Miyerkules upang ipaalam ang pagbibitiw nito sa posisyon.

Pinayuhan siya ni Bersamin na huwag niya itong gawin. Gayunman, idinahilan ni Alba ang lumalalang kondisyon ng kanyang kalusugan.

Magkakabisa ang resignation ni Alba sa Abril 15 upang maihanda ang hahalili sa puwesto nito, ayon na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr..

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'