Peke ang Facebook page na "DSWD Financial Assistance" na nag-aalok ng scholarship sa mga estudyante sa kolehiyo.

Sa social media post ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), nilinaw na hindi ito ang official Facebook page ng ahensya at hindi ito dapat paniwalaan.

Panawagan ng DSWD, huwag nang i-click o buksan ang mga kaduda-dudang link sa mga post ng nasabing social media account upang hindi mabiktima ng panloloko.

"Hangga’t maaari, i-report agad ‘yanupang matigil ang pagkalat ng mga maling impormasyon," abiso ng DSWD.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

"Upang maging updated sa mga programa ng DSWD, bisitahin lamang ang aming opisyal na websitehttps://www.dswd.gov.phat sundan ang aming opisyal na Facebook, Twitter, at YouTube accounts na @dswdserves at Instagram account na @dswdphilippines," sabi pa ng ahensya.