Pinag-aaralan na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na ideklara ang pagsisimula ng tag-init sa bansa sa susunod na linggo.
Sa pahayag ni weather specialist Patrick del Mundo, umiiral pa rin ang hanging amihan at naaapektuhan nito ang extreme northern Luzon o sa Batanes at Babuyan Island.
Unti-unti pa rin aniyang tataas ang temperatura sa malaking bahagi ng bansa sa susunod na mga araw.
"Possible po next week pa na mag-declare ng termination ng amihan," sabi ni del Mundo na nangangahulugang magsisimula na tag-init sa Pilipinas.
Sinabi ng PAGASA na Marso rin ng 2022 nang ideklara nila ang opisyal na pagpasok ng summer season sa bansa.
Tatlong buwan ang tag-init o dry season sa bansa--Marso hanggang Mayo, ayon pa sa PAGASA.