Namataang nag-iikot sa Greenbelt bago ang kaniyang gaganaping concert sa Maynila si British singer at songwriter Harry Styles. 

https://twitter.com/karluwix/status/1635187869999562753?t=sh45YIPgaQJNnBjvTc-MUQ&s=19

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Sa kasalukuyan, nasa Pilipinas ang singer para sa Manila-leg ng kaniyang "Love on Tour" show mamayang 8PM sa Philippine Arena sa Bulacan.

Ang kaniyang mga fans ay nagkagulo sa Twitter kung saan ibinahagi nila ang kanilang pagkamangha nang makita ang singer sa malapitan.

Caption ng isang netizen, "shookt to the core" siya nang mapagtantong dumaan lang sa kaniyang harapan ang dating miyembro ng One Direction.

https://twitter.com/genreal_/status/1635086168051306497?t=O_tED5tnTPinZtktnbdYDQ&s=19

Ngunit dahil sa sinusunod na rules, magalang na tumanggi ang singer na may makapagpa-picture sa kaniya, sa halip ay nakipag-shake hands na lang.