Bibigyan ng security ng Philippine National Police (PNP) si Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves, Jr. pagdating nito sa Pilipinas.

Ito ang tiniyak ni PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo sa isinagawang pulong balitaan sa Camp Crame nitong Sabado ng gabi.

Nagboluntaryo na aniya ang Deputy Chief for Operations ng PNP upang magbigay ng seguridad sa kongresista.

Aniya, makikipag-ugnayan pa sila sa malalapit sa kongresista upang malaman kung saan at kailan ito darating sa bansa. Nasa Estados Unidos pa rin si Teves para sa personal na lakad.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Si Teves ay isinasangkot sa sunud-sunod na pagpatay sa Negros Oriental noong 2019, ilang araw matapos maganap ang pamamaril kay Negros Oriental Governor Roel Degamo sa kanyang bahay sa Pamplona nitong Marso 4.

Kaugnay nito, sinabi ni Fajardo na bumuo na ang Special Task Force Degamo ang pamahalaan na pinamumunuan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos alinsunod na rin sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr..

Magiging co-chairperson ng task force si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.

*Itinalaga naman sina Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Andres Centino at National Bureau of Investigation (NBI) Director Menardo de Lemos bilang mga commander ng task force.

Kaagad namang nilinaw ni Fajardo na hindi bubuwagin ang naunang Special Investigation Task Group Degamo.“Itong special investigation task force, ang intention nito ay to harmonize ang lahat ng efforts ngiba’tibang ahensya,” aniya.