Inanunsyo ng transport group na MANIBELA nitong Martes ng gabi, Marso 7, na magbabalik-kalsada na ang kanilang hanay simula Miyerkules, Marso 8, matapos ang pakikipag-dayalogo sa Malakanyang.
“Balik byahe, walang phaseout!” anang MANIBELA sa kanilang Facebook post.
Dagdag ng grupo, magpapatawag sila ng press conference bukas, Miyerkules, upang doon ihayag ang naging pag-uusap sa nasabing dayalogo at ang dahilan ng pag-urong nila sa isang linggong tigil-pasada.
Kanina lamang ay inanunsyo naman ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (Piston) na dahil umano sa kanilang sama-samang pagkilos sa transport strike na sinimulan nitong Lunes, Marso 6, “naobliga” na ang Palasyo na makipag-usap sa mga lider ng transport groups hinggil sa kanilang panawagan.
BASAHIN: Malacañang, makikipag-dayalogo na sa transport leaders – Piston