Tumaas na umano ang imported na bigas iniaalok ng supplier na Intercity Ricemill Owners and Traders Association, Inc., sa Intercity Industrial Estate sa Bocaue, Bulacan.

Sa pahayag ng negosyante sa Sitio San Roque, Barangay Bagong Pag-asa, Quezon City na si Marivic de Guzman, dinagdagan nila ng ₱20 ang presyo ng dinorado kaya umabot na ito sa ₱1,250 kada 25 kilo nito.

Kahalintulad na dagdag-presyo rin ang ipinatong nila sa imported na Coco Pandan at Bachelor rice.

"Tumaas lahat ng imported rice pero sa local na bigas, ganun pa rin ang presyo," sabi ni de Guzman.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Aniya, napipilitan na rin silang magtaas ng presyo dahil sa ipinatutupad na price adjustment ng nasabing supplier.