Tuloy ang transport strike sa Marso 6 hanggang Marso 12, ayon sa pahayag ng grupong Samahang Manibela Mananakay at Nagkaisang Terminal ng Transportasyon (Manibela) nitong Huwebes.

Paliwanag ni Manibela Chairman Mar Valbuena, iaatras lamang nila ang ikinasang tigil-pasada kapag ibinasura ngLand Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang kanilang memorandum circular 2023-013.

Inoobliga ng memorandum circular ang mga operator at driver ng mga traditional jeepneyna sumali sa mga kooperatiba bilang isa sa requirement sa implementasyon ng public utility vehicle (PUV) modernization program ng gobyerno.

Sakaling hindi nakasunod sa kautusan, kakanselahin ng LTFRB ang Provisional Authority (PA) ng mga jeepney operator at driver at hindi na sila makapamasada sa kani-kanilang ruta.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Pagdidiin ni Valbuena, makikipag-usap lamang sila sa LTFRB kaugnay sa modernization program kapag naibasura na ang naturang kautusan.

Inaasahang lalahok sa tigil-pasada ang mahigit sa 100,000 PUV mula saMetro Manila, Central Luzon, CALABARZON (Region 4A), Bicol Region, at Cagayan De Oro.