LUCENA CITY, Quezon -- Patay ang 35-anyos na karpintero at 25-anyos na babae matapos barilin sa Barangay 6 dito noong Miyerkules ng gabi, Marso 1.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina John Carlo Leoparte, alias “Carlo,” at Charisse Daen, alias ‘’Ivy" na parehong taga Lucena.

Ayon sa imbestigasyon, bandang 11:30 ng gabi nang biglang sumulpot ang hindi pa nakikilalang suspek at pinagbabaril umano ang mga biktima gamit ang kalibre .45 at tumakas dala ang armas na ginamit.

Nagtamo ng tama ng baril si Leoparte sa kaliwang bahagi ng dibdib na naging sanhi ang agarang pagkamatay habang si Daen ay tinamaan sa ulo at kanang binti at isinugod pa sa ospital ngunit idineklara itong patay na.

Probinsya

Higit 1 buwang nawawala: Mangingisda mula sa Quezon, inanod sa Batanes!

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang pitong fired cartridge case at dalawang slug. Isasailalim ito sa caliber determination ng firearm examiner ng Quezon Provincial Forensic Unit.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa kaso upang matukoy ang pagkakakilanlan at motibo ng tumakas na suspek.