Ang Bureau of Immigration (BI) ay naglunsad ng sarili nitong Tiktok account para sugpuin ang mga trafficking syndicate na gumagamit ng social media platform para magrekrut ng mga biktima.

Ang BI TikTok account ay immigph.

Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na ang account ay na-set up matapos nilang kumpirmahin ang mga ulat na maraming kabataang urban professionals ang na-recruit na sa pamamagitan ng Tiktok at Facebook para magtrabaho sa mga call center sa iba't ibang bansa sa Asya.

Ang mga biktima ay inalok ng buwanang suweldo na US$1000, ngunit nauwi sa trabaho bilang mga scammer ng cryptocurrency.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Isinalaysay ng mga repatriated victims sa BI ang kanilang mapapait na karanasan mula sa mga employer dahil sa bigong malokong mga investor.

“There is a need to use the same channels to warn would-be victims of accepting such sinister offers,” sabi ng hepe ng BI.

Pinaalalahanan ni Tansingco ang mga aspiring OFWs na maghanap ng trabaho sa pamamagitan lamang ng mga lehitimong outlet tulad ng Department of Migrant Workers.

Idinagdag niya na ang human trafficking ay isang malaki at seryosong problema na nangangailangan ng orchestrated efforts ng mga kinauukulang tanggapan ng gobyerno sa paglutas nito.

Jun Ramirez