Lumalapit na ang Ginebra San Miguel sa quarterfinal spot matapos gibain ang Meralco Bolts, 112-107, sa 2023 PBA Governors' Cup sa Araneta Coliseum nitong Miyerkules ng gabi.

Dinala ni Christian Standhardinger sa panalo ang Gin Kings matapos humakot ng 31 points, 10 rebounds, pitong assists at dalawang blocks kung saan nasapawan nito ang kanilang import na si Justin Brownlee na nakaipon ng 29 markers, pitong rebounds, at anim na assists.

Dumagdag din ng 16 points si Jamie Malonzo at 12 naman kay Jeremiah Gray.

"The guys instinctively tightened the reins, and it lifted us defensively. They stepped up on their own and played big," sabi ni Ginebra coach Tim Cone sa isang panayam.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Tumulong din sina Malonzo at Gray kaya nakuha ng Gin Kings ang bentahe, 108-102, 55.9 segundo na lamang ang natitira sa huling bahagi ng laban.

Sa panig ng Meralco, kumana naman ng 28 points si KJ McDaniels habang nagdagdag 23 si Allein Maliksi.

Hawak na ng Gin Kings ang 5-2 record habang tangan naman ng Bolts ang limang panalo sa siyam na laban.