Inaasahang bababa ang presyo ng produktong petrolyo sa Martes, Pebrero 28.

Ito ang isinapubliko ng Department of Energy (DOE) nitong Linggo at sinabing posibleng bumaba ng halos₱1 ang presyo ng kada litro ng gasolina habang tatapyasan naman ng₱1.50 ang presyo ng bawat litro ng diesel at kerosene.

Ibinatay ang nasabing hakbang sa pandaigdigang kalakalan ng langis nitong Pebrero 20-23.

Paliwanag pa ng DOE, resulta rin ito ng mas mababang pag-angkat ng langis ng China.

National

Bagyong Julian, ganap nang super typhoon