Nakapiit na ang isang estudyante sa kolehiyo matapos maaresto ng pulisya kaugnay sa umano'y kinakaharap na kasong rape sa Agno, Pangasinan kamakailan.

Nasa kustodiya na ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Alaminos, Pangasinan ang akusadong si Frederick Garcia Cantillo, 25, matapos maaresto sa Barangay Magsaysay, Agno nitong Pebrero 7 ng umaga.

Sinabi ni CIDG chief, Brig. Gen. Romeo Caramat, Jr., kasama si Cantillo sa Top 10 most wanted person sa lalawigan.

Ipinatupad ang pag-aresto sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Alaminos City, Pangasinan Regional Trial Court Branch 55 Assisting Judge Ruby Ann Trayvilla-Peralta sa kasong paglabag sa Republic Act[ (RA) 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act) at 3 counts ng Statutory Rape.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Inirekomenda ng korte ang piyansa na P200,000 sa kasong paglabag sa RA 7610 habang wala namang piyansa sa kasong statutory rape.