Tila diretsang ngang kinikilala ni Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi ang pinagdaraanang stress pa rin matapos ang naging journey niya sa Miss Universe.

Ito’y kasunod ng kaniyang pag-flex sa new look tampok ang kaniyang “trauma bangs” ngayong Miyerkules.

Ang trauma bangs ay tumutukoy sa pagpapagupit na kadalasa’y pinagpipilian sa tuwing nakararanas ng stress o may pinagdadaanang pagsubok ang isang tao, lalo na ang kababaihan.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

“Hello from me and my trauma bangs, 👻😂” pabirong sey ni Celeste sa kaniyang larawan habang nasa isang sofa.

Bagaman stress, ilang kapwa beauty queens at celebrities naman ang nagpaulan pa rin ng pagmamahal sa lutang na lutang pa ring kadyosahan ni Celeste.

“If only all trauma looked this good!!!! 😍😆” komento ni Christi McGarry.

“Sana ganito ako kaganda ma trauma!” segunda ni Chie Filomeno.

“Wowowowow!🔥🔥🔥” saad ni Gazini Ganados.

Basahin: Dyowa ni Celeste Cortesi, pabirong tinawag na ‘Miss El Tocuyo’ ang GF; fans, nawindang – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Maraming fans din ang siniguradong patuloy pa ring ipaabot ang pagsuporta sa Pinay rep sa kabila ng naging resulta ng kompetisyon.

“She doesn't need a crown to be called a queen. Herself alone is a statement that she is beyond a title,” sey ng isang fan.

“You may not be the Miss Universe of 6 people (MU judges), you are Miss Universe 2023 among 5 million Filipinos!!”

“Rockin’ that hairstyle queen! We love you, our Miss El Tocuyo 🫶🏻!”

“At least you're the best Miss Tocuyo ever. That's a reason to be proud of!”

“So proud! Our first Tocuyo Queem ❤️ Love you for life Cheleste 🔥!”

Matapos lang ang apat na oras, umabot na agad sa mahigit 50,000 likes ang naturang Instagram post sa pag-uulat.