Tila dismayado ang netizens sa naging pahayag ng social media personality na si Queen Dura kaugnay ng viral na pamamahid ni Alex Gonzaga ng icing ng cake sa waiter na si Allan Crisostomo noong nakaraang kaarawan nito.

Sa isang tweet video, makikita si Queen Dura na dinipensahan ang actress-vlogger.

“Napahiran lang ng cake parang natapakan naman yung pagkatao n'yo. Kayo ba yung napahiran? Grabe naman kayo kung ganon! Yung napahiran nga hindi nagsasalita, walang sinasabi eh, tahimik lang eh, si Mark (Villar) siguro yun tahimik lang kasi. Tapos kayo, halos… nakapatay si Alex? Wala kasing nagsasalita eh, ako na lang. Charot! Love you Lex!,” lahad ng online personality.

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

https://twitter.com/ricci_richy/status/1617393065806946306?s=46&t=7_q5Dem1JuiA3mX0FBdhaA

Agad umani ng reaksiyon ang pahayag na ito ni Queen Dura dahilan upang mag-trending ito sa social media.

"Similar to - 'Di ka naman affected bakit ka nagrereklamo?' Di natin kailangang hintayin na satin mangyari bago tayo umaray. Kapag may nakita kang inaagrabyado and kaya mo namang tumulong, help."

"People like Queen Dura are dangerous to the society. Their perspective goes like 'It's okay to do this to someone since he/she is just silent about it.' Definitely giving apologist vibe."

"WELL MAYBE ALEX G. WAS GOOD TO QUEEN DURA KAYA DINEDEFEND NYA BUT AS FOR ME NA ISANG FUTURE WORKER NG HOSPITALITY INDUSTRY, IT'S A NO."

Matapos naman ang ilang oras, agad  namang kumambyo si Queen Dura at sinabing mali naman talaga ang nagawa ni Alex.

“Pasensiya na mga vevs kung naging 2 mb yung brain ko. Mali ako nang dinifend, sorry talaga kung naging padalos-dalos ako sa mga sinasabi ko. Hindi ako nag-iisip sana mapatawad niyo ‘ko. Mali ako nang dinifend which is dun ko lang talaga napagtanto na mali talaga, na dapat i-tolerate yung ganung bagay,” aniya.

Sa huli, humingi ng tawad si Queen Dura at sinabing mali talaga ang kanyang unang naging pahayag patungkol sa isyu. Umaasa na siya na mahal pa rin siya ng kanyang mga followers.

Nakilala si Queen Dura dahil sa mga kuwela niyang content at ngayon ay may 1.5 million followers sa kanyang TikTok account.