Ang kasalukuyang border control protocols sa bansa ay “sapat” pa rin sa gitna ng pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa China, sinabi ng Department of Health (DOH).

Sinabi ng DOH na hindi pa kailangan na baguhin ang border control measures ng Pilipinas.

“We are currently implementing heightened surveillance and monitoring. Existing protocols are still sufficient,” anang DOH sa isang pahayag nitong Linggo, Enero 8.

“There is not yet a need to implement stricter border controls for in-bound international travelers,” dagdag nito.

Internasyonal

Higit 200 pasahero sa nag-crash na Air India plane, patay; isa, nakaligtas!

“The DOH reiterates the need to look at the situation as a whole, and decisions should be based on science and evidence,” pagpapatuloy nito.

Ito ang pahayag ng ahensya pagkatapos ng hilingin ng ilang mga bansa sa Europa sa mga manlalakbay mula sa China na magpakita ng negatibong pagsusuri sa Covid-19 sa pagpasok sa kani-kanilang mga bansa.

Kabilang sa mga nasabing bansa ang Sweden, Germany, Belgium, United Kingdom, France, at Italy.

Noong Enero 4, iniulat ng DOH na walong Pinoy na dumating sa bansa mula sa China ang nagpositibo sa Covid-19.

Ang kanilang mga swab sample ay naipadala na sa Philippine Genome Center para sa genome sequencing para malaman kung anong variant ng Covid-19 virus ang nahawa sa kanila.

Sinabi ng DOH na 89 na close contacts ang natukoy na at sila ay kasalukuyang binabantayan.

Analou de Vera