Kumpirmado nang magiging backstage host si Miss Universe 2018 Catriona Gray para sa paparating na Miss Universe pageant.

Ito ang unang pagkakataon ni Catriona na mag-host sa Miss Universe.

"So excited to be a part of this line up," ani Catriona.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Makakasama ni Catriona bilang backstage commentator si Emmy award-winner at "American Ninja Warrior” co-host Zuri Hall.

Samantala, sina dating Miss Universe Olivia Culpo at television host na si Jeannie Mai Jenkins ang mga bagong host ng Miss Universe 2022.

Kapwa sina Culpo at Jenkins ang pumalit sa mga tungkulin sa pagho-host mula sa icon ng telebisyon na si Steve Harvey, na nag-host ng pageant mula noong 2015 bilang bahagi ng deal ni Fox sa Miss Universe na natapos nakaraang taon, 2022.

Ang 71st edition ng Miss Universe ay gaganapin sa New Orleans, Louisiana sa United States sa Enero 14, na Enero 15 sa Pilipinas.

Si Celeste Cortesi ang kumakatawan sa Pilipinas para sa darating na edisyon ng Miss Universe.