Hinarang ng Bureau of Immigration (BI) ang tangkang pagpasok sa bansa ng isa umanong Australian hacker.

Sa isang ulat kay BI Commissioner Norman Tansingco, sinabi ng border control and enforcement unit (BCIU) ng BI na si Risteski Borche, 40, ay naharang sa Ninoy Aquino International Airport ilang sandali matapos bumaba mula sa Cebu Pacific flight mula Sydney noong Disyembre 21.

Si Risteski ay isang Australian na may lahing Macedonian, at napapailalim sa isang Interpol Red Notice.

Batay sa ulat ng BI, pinaghahanap si Risteski sa Macedonia dahil sa hindi awtorisadong pagpasok sa computer system nito na lumalabag sa Criminal Code ng naturang bansa.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Nahaharap siya sa apat na taong pagkakakulong kapag napatunayang nagkasala sa krimen.

Sinabi ni Tansingco na ipapatapon siya pabalik sa Australia at hindi na makabalik.

Jun Ramirez