Binawian ng buhay ang 7-anyos na bata mula Mahaplag, Leyte. Ang biktima, pinakain muna ng cake bago lasunin ng mismong ama nito.

Kinilala ang biktima na si Kyle Calusayan, residente ng Brgy.Hiluctogan, Leyte. Naisugod pa umano ang biktima sa ospital ngunit hindi na naisalba ng mga doktor.

Ayon sa mga pulisya, pinakain umano ng cake ni Joselito Calusayan ang anak nito bago pinainom ng pesticide na ‘Brodan’ at ilang minuto lang ay nanghina na ang bata.

Sa imbestigasyon ng awtoridad, lumalabas na ang suspek raw ay posibleng nakaranas ng depresyon dahil wala itong trabaho at nilayasan ng live-in partner.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kita sa posted video ng ina ng bata na kinilalang si Layla Solis na nagtulong-tulong ang mga kapitbahay nito upang bigyan ng paunang lunas ang bata bago isinugod sa ospital.

Sa kasamaang palad, dead-on-arrival ang bata.

Samantala, ang suspek na si Joselito, ay kasalukuyan pang ginagamot sa Eastern Visayas Regional Medical Center.

Dumipensa naman ang ina ng bata. Ayon sa kanya, ilang beses na raw itong binabantaan ang kanilang buhay mag-ina.

"Maayos akong nagsusustento ako sa kanila every week tapos sa konting away o konting alitan agad niya akong tinatakot na papatayin niya mga anak namin dun sa Leyte," anang ina ng biktima.

Dagdag pa niya, "Hindi lang isang beses, maraming beses po. Alam po ng mga kapitbahay namin sa Leyte na palagi akong binagbantaan o tinatakot ng aking ka-live-in partner."

Nahaharap sa kasong parricide ang suspek, ngunit ayon sa ina ng bata, hanggang ngayon hindi pa raw nakukulong ang kanyang ka live-in partner.

Hustisya naman ang sigaw ng mga netizens sa pagkamatay ng bata.