Nakopo na ng Barangay Ginebra San Miguel ang unang upuan sa PBA Commissioner's Cup finals.
Ito ay matapos talunin ang Magnolia Hotshots, 99-84, sa Mall of Asia Arena sa Pasay City sa kanilang semifinals series nitong Miyerkules ng hapon.
Humakot si Gin Kings import Justin Brownlee ng 24 puntos, habang kumubra naman ng 19 at 18 puntos sina Japeth Aguilar at LA Tenorio, ayon sa pagkakasunod.
Nagawa pa ring maipanalo ng Ginebra ang laban kahit pinatalsik sa playing court si Christian Standhardinger matapos batuhin ng bola si Magnolia import Nick Rakocevic sa first quarter.
Kumubra naman si Calvin Abueva ng 14 puntos, habang ang kakamping si Rakocevic ay naka-13 puntos, dagdag ang 12 puntos ni Jio Jalalon.
Sakaling manalo ang Bay Area Dragons sa ikalawang laro laban sa San Miguel Beermen, makakasagupa ito ng Gin Kings sa PBA Finals.