Ipinagmamalaki ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary at Army reserve 1st lieutenant Anna Mae Yu Lamentillo ang kaniyang pagiging bahagi ng Philippine Army bilang isang reservist.

Dumalo si Lamentillo sa kauna-unahang fellowship night ng Philippine Army Reservists kung saan siya at ang mga kapwa reservist ay kinilala para sa kanilang serbisyo sa bansa at dedikasyon sa tungkulin.

“Napakataas ng respeto ko sa ating mga sundalo. Kahanga-hanga ang kanilang katapatan sa tungkulin at pagiging makabayan. Itataya nila ang kanilang buhay para tayo ay makatulog ng payapa sa gabi. Kaya naman ipinagmamalaki kong maging bahagi ng Army reserve force. Hangarin ko na mapaglingkuran ang ating bayan sa pinakamahusay na paraan,” ani Lamentillo.

Samantala, binigyang-diin ni Army Commanding General Lt. Gen. Romeo Brawner Jr. ang mahalagang papel ng mga reservist sa pagbuo ng bansa, partikular sa humanitarian assistance at disaster response efforts sa panahon ng mga kalamidad.

Mga Pagdiriwang

Ang mayamang tradisyong tatak ng 'Paskong Pinoy'

Ang reserve force ay nagsisilbing expansion base para sa regular force sa panahon ng mga pambansang emergency, digmaan, rebelyon, o pagsalakay; tumutulong sa relief at rescue sa panahon ng sakuna; tumutulong sa pag-unlad; at tumutulong sa pagpapatakbo at pagpapanatili ng mga mahahalagang kagamitan ng pamahalaan o pribadong mga kagamitan sa pagsulong ng pangkalahatang misyon.