Hindi na dinadagsa ng mga turistang Chinese ang Pilipinas, ayon sa pahayag ng Department of Tourism (DOT) nitong Huwebes.

Isinisi ito ni DOT SecretaryChristinaFrasco, sa patuloy na paghihigpit sa China dulot pa rin ng pandemya ng coronavirus disease 2019.

"We are doing everything that we can to be able to augment the loss of the Chinese market para the same time we want to convey that we're looking forward to the reopening of China as far as outbound travel is concern. Hindi po hihinto 'yung ating mga effort in this regard. But realistically speaking, it is indeed a loss as far as arrivals are concerned not only for the Filipino but also worldwide," ani Frasco.

Sa kabila nito, nadagdagan naman ang mga turistang mula sa ibang bansa sa Asya ngayong taon.

Tourism

Pasig River Esplanade, worth it nga bang puntahan?

Dumagsa naman ang mga turistang mula sa Estados Unidos, sinundan ng South Korea, Australia, Canada at United Kingdom.

Sa datos ng DOT, nasa 2,025,421 turista na ang bumisita sa bansa hanggang nitong Nobyembre 14.

Umaasa rin ang opisyal na malampasan pa ang pre-pandemic na bilang ng mga turista, at nais din nilang maiangat ang tinatawag na tourist experience sa bansa.