Naitala na ng Magnolia Chicken Timplados ang ikaanim na panalo makaraang talunin ang Blackwater, 91-69, sa PBA Commissioner's Cup sa Araneta Coliseum nitong Linggo ng gabi.
Nasa unang puwesto na ang Magnolia tangan ang barahang 6-1 panalo at talo habang nasa ikalawa lamang ang guest team na Bay Area Dragon na bitbit ang rekord na 6-2.
Nalaglag naman sa 3-6 ang baraha ng Blackwater at pang-12 na sa puwesto.
Ipinaramdam ng import ng Magnolia na si Nick Rakocevic ang kanyang lakas dahil sa naitalang double-double performance--17 puntos at 15 rebounds, habang ang kakamping si Ian Sangalang ay kumubra g 17 puntos at pitong rebounds.
Naka-14 puntos naman si Ato Ular para sa Blackwater habang ang teammate na si Trevis Jackson ay nakakolekta ng 10 puntos.
Hindi nakapaglaro sa Blackwater sina JVee Casio at Troy Rosario.