Hindi na napigilan ni TNT Tropang Giga team manager Jojo Lastimosa ang kanyang emosyon laban kay Filipino-American player Mikey Williams na sinuspindi ng isang linggo dahil sa hindi pagsipot sa practice ng koponan nitong nakaraang Sabado.

Sinabi ni Lastimosa na dismayado siya dahil ilang beses nang lumabag sa patakaran ng koponan si Williams.

Hindi dumalo sa kanilang team practice si Williams isang araw bago ang harapin ng koponan ang Phoenix Super LPG Fuel Masters nitong Linggo, Oktubre 30.

Hindi ipinaalam ni Williams sa kanyang koponan ang dahilan ng pagliban niya sa ensayo, sabi ni Lastimosa sa panayam ng isang online sports news site.

National

Ex-VP Leni sa pagsalubong niya kay PBBM: ‘Isang pagbibigay-respeto sa posisyon’

Sa isang television interview, binanggit na isa rin sa dahilan ng pagsuspindi kay Williams ay ang hindi nito pagsipot sa kanilang team building sa Batangas bago magsimula ang PBA Commissioner's Cup.

Ayon kay Lastimosa, malaki ang sinusuweldo ni Williams sa koponan. Gayunman, hindi ito matinong teammate.

Nauna nang sinabi ni Lastimosa na posibleng "lalala pa ang sitwasyon" kung uulitin pa ito ni Williams.

Naging problema rin ng TNT si Williams nang lumiban sa laro ng koponan sa Philippine Cup dahil sa problema nito sa kanyang kontrata.

Nitong nakaraang Hulyo, pumirma muli si Williams ng 3-year contract extension sa TNT.