Isang babae ang patay nang barilin ng kanyang live-in partner na pulis sa Tanay, Rizal nitong Miyerkules matapos na niyang umano’y komprontahin ito bunsod nang umano’y pakikipagrelasyon sa ibang babae.

Isang tama ng bala sa ulo ang ikinamatay ng biktimang si Rodaville Maguate.

Samantala, arestado naman ang suspek na si PCPL Romie Gie Legaspi, nakatalaga sa Tanay Municipal Police Station.

Batay sa ulat ng Tanay Municipal Police Station, dakong alas-5:30 ng hapon nang maganap ang krimen sa Southville 10, Brgy. Plaza Aldea, Tanay, Rizal.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Nauna rito, kinumpronta ng biktima ang suspek dahil sa umano'y pakikipag-relasyon sa ibang babae.

Nauwi ang insidente sa mainitang argumento hanggang sa magdilim umano ang paningin ng suspek at bigla na lang barilin ang biktima sa ulo.

Kaagad na namatay ang biktima habang naaresto naman ang suspek na sasampahan ng kasong pagpatay sa piskalya.