Nanawagan si Senator Imee Marcos sa Department of Agriculture (DA) na lansagin na ang mga smuggler ng agricultural products sa bansa.

"Ang pagkaintindi ko, ang unang gagawin, talagang tutugisin ang smuggler, kasi diyan tayo naloloko eh," sabi ni Marcos sa panayam sa telebisyon nitong Miyerkules ng umaga.

Aniya, hindi na dapat magpatumpik-tumpik pa ng mga opisyal ng DA, lalo na sa katatalagangsi Assistant Secretary James Layug.

"Dati may DA field inspection, ngayon may bago, si Asec. James Layug, hoy, gising naman! Nakakasindak na itong smuggling na big-time," aniya.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. pa rin ang pansamantalang kalihim ng DA habang wala pa itong itinatalagang bagong mamumuno ng ahensya.

Ginagamit aniya ng smuggler ang mga kooperatiba upang makapagpasok ng imported goods sa bansa.

"Sa sibuyas... ang problema dyan 'yung mga trader, talagang hinahawakan ng maigi ang mga magsasaka, bibili ng kakarampot,ibobodega, tapos itatago, sabaymag-i-import, sasabihin nila may shortage. 'Yung mga coop pa ang gagawing importer ng malalaking cartel at sindikato," sabi ng senador.

"Kaya sa susunod na taniman, wala nang magtatanim, paano bagsak-presyo, hayun, hanggang sa umabot ang bawang nasa 6 percent lang ang tanim sa Pilipinas, at ang sibuyas nasa 12 percent, ang laki na ng shortage," dagdag pa nito.