Plano ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na i-digitize ang lotto games sa bansa.
Sa isang panayam ng mga mamamahayag, sinabi ni PCSO Vice Chairperson at General Manager Melquiades ‘Mel’ Robles na layunin nitong higit pang mapataas ang kita ng ahensiya para mapondohan ang mas marami pang charity works at mas marami pa silang matulungang kababayan nating nangangailangan.
Ayon kay Robles, sa pamamagitan nang pag-digitize sa lotto ay magiging mas madali na ang paglalaro nito at magiging mas accessible pa sa mga bettors.
Magiging app-based aniya ito upang magawang makipagsabayan sa mga naglalabasang iba pang palaro sa bansa na nasa online na.
Kabilang sa mga lotto games ng PCSO ay ang Regular Lotto 6/42, Super Lotto 6/49, Mega Lotto 6/45, Grand Lotto 6/55 at Ultra Lotto 6/58.