May payo ang batikang showbiz columnist na si Manay Lolit Solis sa Kapuso actor na si Ruru Madrid.

"Iba talaga pag inabot ng suwerte, Salve. Iyon paghihintay ni Ruru Madrid talagang nakuha niya sa Lolong na gabi gabi talaga number 1 sa rating sa TV. Hindi bumibitaw ang mga manunuod, talagang tutok sila sa Lolong," saad ni Lolit sa kanyang Instagram post nitong Miyerkules, Agosto 31.

"Suwerte ni Ruru Madrid dahil mahabang panahon hindi mawawala sa isip ng tao ang role niya sa Lolong na talagang tumatak sa kanya," dagdag pa nito.

Sey rin ni Manay na kapag ipinagpatuloy ni Ruru ang pagiging professional at kababaang loob ay tiyak daw na magtatagal ang kasikatan nito dahil aniya kapag nagbago na ang ugali, mawawala raw ang suwerte.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Magpatuloy lang sa pagiging professional at mababang loob, tiyak na magtatagal ang kasikatan ni Ruru Madrid. Ang suwerte kasi dumarating sa mga taong matiyaga at mabait. Pero pag nagbago ang ugali, sandali lang nawawala na ang suwerte," aniya.

Payo niya sa aktor, "kaya Ruru stay as sweet and as professional para long lasting ang suwerte dumating sa buhay mo."

Samantala, binati niya ang GMA Network dahil sa tagumpay ng teleseryeng 'Lolong' na pinagbibidahan ni Ruru.