Humirit ng ₱2 na dagdag sa pasahe sa public utility jeepney ang isang transport group sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa bansa.

Paliwanag niFederation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) national president Ricardo Rebaño, ramdam na ngayon ng mga driver ang pagsirit ng presyo ng petroleum products.

“Dalawang piso po ang panawagan ko sa ating pamahalaan para naman po maka-survive itong mga driver natin na kasalukuyan ay bumabalik sa paghahanap-buhay,” paliwanag nito sa panayam sa telebisyon nitong Linggo.

"Ang akala nila magtutuloy-tuloy itong pagbaba ng petroleum products pero kabalintunaan baka bumalik ho ito sa pagko-construction ulit,” anito.

National

Padilla, Zubiri, pinaiimbestigahan status ng implementasyon ng amnesty proclamations ni PBBM

Sinabi naman ng LTFRB na pag-aaralan pa nila nang husto ang iniharap na petisyon ng grupo.