Pinaiimbestigahan na ng isang kongresista ang programa ng gobyerno ng kontra dengue dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso nito sa bansa.
"This is really alarming. The fact that we are having or seeing 90 plus percent increase from last year, it means to say the current programs or activities and the strategies being undertaken by the Department of Health seems to fall short," paliwanag ni Kabayan Party-list Rep. Ron Salo sa panayam sa telebisyon nitong Lunes, Agosto 1.
Tinukoy nito ang halos doble sa 37,000 kaso ng dengue na naitala sa bansa sa kaparehong panahon noong 2021.
Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH), halos 74,000 na ang kaso ng dengue sa bansa hanggang ngayong buwan.
"Perhaps, the focus has always been addressing COVID-19," anang kongresista.
Sa House Resolution No. 79, nanawagan si Salo sa House Committee on Health na pag-aralan nang husto ang programa ng DOH upang mahinto ang patuloy na paglobo ng kaso ng sakit.
Aniya, batay sa ulat ng World Health Organization (WHO), karamihan sa tinatamaan ng sakit ay mga bata kung saan 299 na ang naitalang binawian ng buhay.
Naitala ang mataas na kaso ng dengue sa Central Luzon, Central Visayas at Metro Manila,
Matatandaangisinailalim sa state of calamity ang Antique bunsod na rin ng pagtaas ng kaso ng sakit.