Kamakailan nga ay pormal at opisyal nang inihayag ng mismong bida at isa sa mga direktor na si Coco Martin na matapos ang matagumpay na pag-ere ng "FPJ's Ang Probinsyano" ay may huling tatlong linggo na lamang ito sa Primetime, upang bigyang-daan ang paglipad naman sa himpapawid ni Darna, na pinagbibidahan ni Jane De Leon.

"Malungkot man na tayo ay maghihiwalay pero walang hanggang pagpapasalamat ang aming nararamdaman. Nagbago man ang mundo, nariyan pa rin kayo. Kahit man po matapos ang teleseryeng ito, hinding-hindi po matatapos ang pagmamahal namin sa inyo. Kaya kapit lang sa huling tatlong linggo. Ito po ang "FPJ's Ang Probinsyano: Ang Pambansang Pagtatapos," saad ni Coco noong Biyernes, Hulyo 22.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/23/fpjs-ang-probinsyano-tatlong-linggo-na-lang-people-power-revolution-nagbabadya-sa-finale-ng-serye/">https://balita.net.ph/2022/07/23/fpjs-ang-probinsyano-tatlong-linggo-na-lang-people-power-revolution-nagbabadya-sa-finale-ng-serye/

Marami ngayon ang nagtatanong: anong susunod na proyekto ni Coco sa Kapamilya Network?

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Maugong na usap-usapan ngayon sa social media na ang susunod daw na proyekto ni Coco ay remake ulit ng isang iconic na pelikula ni Fernando Poe, Jr.; ito ay ang "Batang Quiapo" noong 1986, kung saan nakatambal ni Da King si Diamond Star Maricel Soriano.

Ang FPJ's Ang Probinsyano ay hango sa pelikulang "Ang Probinsyano" ni Da King, na nagkaroon din ng part 2.

Samantala, wala pang kumpirmasyon o opisyal na pahayag ang ABS-CBN o maging ang kampo ni Coco Martin tungkol dito. Abangers na lang tayo!