Nahawaan ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) siOriental Mindoro Governor Humerlito Dolor at asawa nito kamakailan.

Ito ang kinumpirma ni Dolor nitong Linggo at sinabing nakaramdam ito ng pananakit ng katawan at lagnat pag-uwi.

Kaagad naman niyang kinansela ang lahat ng mga lakad at trabaho niya bilang pagsunod sa health protocols.

"Simula pa Huwebes hanggang sa araw na ito, lahat ng aking gawain bilang punong lalawigan ay pansamantala po nating ipinagpaliban para na rin po sa kapakanan at kaligtasan ng lahat," banggit ng gobernador.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Bakunado na ang mag-asawa at nakatanggap na rin sila ng booster shots.

Kaugnay nito, nanawagan din si Dolor sa lahat ng nasasakupan niya na magpabakuna at magpa-booster shot laban sa virus.

“Ako po mismo ang testament na dahil bakunado ako at may booster shots, halos wala pong sintomas na nararamdaman kundi kaunting pananakit ng katawan, mild na fever, 37.8 lamang po at nagkaroon din ng konting pag-ubo. Pero makalipas ang isa, dalawang araw pagkatapos ng medication, wala na rin po natira," sabi pa nito sa panayam sa telebisyon.