CAGAYAN - Sinampahan na ng kaso sa Aparri Regional Trial Court (RTC) sa Cagayan si incumbent Gattaran, Cagayan Vice Mayor Matthew Nolasco at tatlong iba pa kaugnay ng umano'y pamamaslang ng mga ito sa isang negosyante sa Lal-lo ng nasabing lalawigan noong nakaraang Disyembre.

Sa charge sheet na pirmado nina Cagayan Provincial Prosecutor Ronnel Nicolas, Senior Assistant Provincial Prosecutors Erwin Geron, Ronald Daliuag, Abigail Balisi-Lappay, kabilang din sa ipinagharap ng kaso sinaJoles Salvatierra, Jofel Alipio, at Mateo De Torres.

Nag-ugat ang kaso sa pamamaslang umano ng tatlo kay Jefferson Torricer, tubong Gattaran at taga-Penarobia, Abra saVeranda Resto Bar, Brgy. Magapit, Lal-lo noong Disyembre 5, 2021.

Paliwanag ng piskalya, nakitaan nila ng batayan upang maisagawa ang paglilitis sa kaso laban kay Nolasco at sa tatlo niyang kasamahan.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Sa pahayag ng mga testigo, pinagtulungan nina Alipio, Salvatierra at De Torres na itulak sa pader ng resto-bar ang biktima na agad namang umanong tinutukan ng baril ni Nolasco.

Sa pagkakataong ito, ipinutok umano ni Nolasco ang baril na nagresulta sa agarang pagkamatay ni Torricer.

Si Nolasco ay alkalde pa ng naturang bayan nang maganap ang krimen.

Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng mga akusado.