Binubuhay muli sa Senado ang parusang kamatayan upang masolusyunan ang problema sa droga sa bansa.

Ayon kay Senator Ronald "Bato" dela Rosa, nakapaghain na siya ng panukalang batas hinggil sa usapin, gayundin sa pagbabalik ng mandatory Reserve Officers' Training Corps (ROTC).

Ipaiiral aniya ang parusang kamatayan laban sa tinatawag na,"large-scale, high-level drug traffickers" sa bansa.

Nais ng senador na masaklawan ng nasabing pinakamabigat na parusa ang mga naaarestosa pag-iingat ng isang kilo ng iligal na droga.

National

DOJ, nais ibalik si Alice Guo sa kustodiya ng PNP

Gayunman, tatalakayin pa nila ito sa komite at sa plenary level."Our legislative proposal only limits the offenses to large-scale drug trafficking. Automatic tatamaan dito yung big-time drug traffickers. Sigurado tayo di tayo makakakita ng very strict opposition," sabi ni dela Rosa sa panayam sa telebisyon nitong Lunes.

"I would just like to comment ang assumption natin na flawed ang justice system. Ako naniniwala pa rin akosa atingmga korte. Sampal 'yansa atingmga korte," pagdidiin ng senador.

Noong 2006, ibinasurani dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang capital punishment sa Pilipinas.