Nakatakda nang magsimula muli ang voter registration sa bansa sa Lunes, Hulyo 4 para sa pagdaraos ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Disyembre 5, 2022.
Ayon kay Commission on Elections (Comelec) spokesperson John Rex Laudiangco, magtatagal ang pagpapatala hanggang sa Hulyo 23, 2022.
Anihya, mananatiling bukas ang mga tanggapan ng Comelec para sa mga nais magparehistro, simula 8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon, Lunes hanggang Sabado, kabilang ang holiday.
Puntirya ng Comelec namairehistroang mga bagong botante edad mula 15 hanggang 17-anyos upang makaboto sila sa Disyembre 5.
"Ang target sa voters registration ay 'yung mga bagong botante para sa Sangguniang Kabataan... Ito 'yung mga magiging 15 years o 15 years oldto 17 years old. Kung hindi pa 15 pero magfi-15-yearold by December 5, 2022, pwede nang magparehistro,” banggit ni Laudiangco.
"Para naman sa ating regular registration, kasama na 'yung sa barangay dito, 'yung mag-e-18 years old on or before December 5,” aniya pa.
Ang mga botanteng inalis sa voters list ay maaari pang mag-aplay online para sa reactivation ng kanilang mga record.
Ang online application para sa reactivation ay isasagawa naman mula Hulyo 4-19.
Kinakailangan lamang aniya ng mga botante na magpadala ng email sa official email address ng Office of the Election Officer sa kanilang lokalidad.