Nagkaroon muli ng panibagong phreatic eruption o steam-driven explosion ang Bulkang Bulusan nitong Linggo ng umaga, Hunyo 12, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa kanilang advisory, sinabi ng Phivolcs na na-detect ang pagsabog dakong 3:36 a.m., at umabot ito ng 18 minuto ayon sa seismic record.
Ang eruption plume ay hindi nakita sa mga camera monitor, idinagdag nito.
Dahil dito, pinaalalahanan ng Phivolcs ang publiko na nananatili ang Alert Level 1 sa Bulusan Bulusan.
“Local government units and the public are reminded that entry into the 4-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) must be strictly prohibited and that vigilance in the 2-kilometer Extended Danger Zone (EDZ) on the southeast sector must be exercised due to the increased possibilities of sudden and hazardous phreatic eruption,” paalala ng ahensya.
Sinabi rin ng Phivolcs na dapat ding payuhan ng mga awtoridad ng Civil aviation ang mga piloto na iwasang lumipad malapit sa tuktok ng bulkan, na binabanggit na ang abo mula sa anumang biglaang pagputok ng phreatic ay maaaring mapanganib sa mga sasakyang panghimpapawid.
“People living within valleys and along river/stream channels especially on the southeast, southwest and northwest sector of the edifice should be vigilant against sediment-laden stream flows and lahars in the event of heavy and prolonged rainfall should [a] phreatic eruption occur.”
Noong Hunyo 5, nagbuga makapal na usok ang Bulkang Bulusan pagkatapos ng phreatic eruption. Inilagay ito ng Phivolcs sa ilalim ng Alert Level 1.
Jel Santos