Isa nang pastry chef ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo-Guidicelli matapos grumaduate sa isang culinary school nitong Huwebes, Hunyo 2.

Proud naman itong ibinahagi ng kaniyang asawa na si Matteo Guidicelli sa Instagram. "Super proud of you my love!! Officially graduated from baking school!!" 

Makikita sa pictures na hawak ng Popstar Royalty ang kaniyang diploma na natanggap mula sa Henry Sison Culinary School.

Present din sa graduation ni Sarah ang kapatid ni Matteo na si Paolo. 

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

"CONGRATULATIONS! Yesssss “chef sarah” it is!!" proud na pagkakasabi ng aktor.

"We are super proud of you! Your achievements are limitless because you always strive for excellence! I love you!" dagdag pa niya.

Noong nagsimula ang pandemya, kinakarir na ni Sarah ang pagba-bake. Madalas din ibinahagi ng kaniyang mister ang mga pastries na binebake niya, na isa sa mga tumitikim ng mga gawa niya.