Naaresto na rin ng mga awtoridad ang isang big-time drug pusher sa Central Visayas sa ikinasang operasyon na ikinasamsam ng mahigit sa ₱6.9 milyong pinaghihinalaang shabu sa Lapu-Lapu City sa Cebu kamakailan, ayon sa pahayag ng Philippine National Police (PNP) nitong Biyernes.

Kinilala ni PNP officer-in-charge, Lt. Gen. Vicente Danao, Jr. ang dinakip na si Melvin Secjadas Salazar, 32. 

Sa police report, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Cebu Drug Enforcement Unit, Cebu Intelligence Unit, Lapu-Lapu City Police Office, Regional Police Drug Enforcement Unit 7, Naval Intelligence Security Group (NISG-Central) at Naval Forces Central (NAVFORCEN) sa Sitio Firecrash, Brgy. Bankal nitong Miyerkules na ikinaaresto ni Salazar. 

Nakumpiska sa suspek ang 14 na plastic pack na naglalaman ng umano'y shabu, marked money at isang sling bag.

Probinsya

Higit 1 buwang nawawala: Mangingisda mula sa Quezon, inanod sa Batanes!

Inihahanda na ng pulisya ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban kay Salazar na nakakulong pa rin sa Lapu-Lapu City Police Office.