All-out ang papuri ni showbiz columnist Lolit Solis kay presumptive vice president at Davao City Mayor Sara Duterte, na sa kaniyang palagay ay madali raw lapitan at hindi nakaka-intimidate, ayon sa kaniyang latest Instagram post nitong Mayo 17.

"Ang galing din ng galaw ng ating Vice President Elect Sara Duterte, Salve. Feel mo ang vision niya sa kanyang mga binibigay na plano, pati sa pagiging Secretary of Education. Parang madali siyang lapitan at hindi siya ilang sa tao. Very friendly ang kilos niya at pagsasalita kaya hindi ka intimidated sa kanya."

"Sana nga pareho ang energy level nila ni Bongbong Marcos para sa lahat ng pagbabago na gusto nila ibigay para sa bayan. Sana nga magtagumpay kung anuman ang vision nila para mas maging maganda ang lahat. Mukha naman they feel what the people want, kaya baka naman maibigay nila ito ng buong husay."

"Meron high hope ang lahat para sa mga bagong leaders, kaya sana huwag silang mabigo. Sundan natin ang path nila para makatulong tayo, bigyan natin sila ng cooperation, together mas magiging malakas tayo. Mahalin natin ang Pilipinas. Isa lang ang bayan natin."

Matatandaang naging bukas noon si Lolit na si Lito Atienza, running mate ni presidential candidate at Senador Manny Pacquiao ang kaniyang manok sa pagkapangalawang pangulo.

Ngunit iba rin daw ang dating ni Inday Sara sa kaniya, at kung hindi nga lamang daw tumakbo si Atienza, malamang ay ang anak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang iboboto.