Patay ang isang mag-asawa matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang lalaki ang sinasakyang kotse sa General Trias, Cavite nitong Huwebes ng hapon.

Dead on arrival sa GEAM Hospital ang mag-asawang kinilala ng pulisya na sina Vincent Cabugnason, 31, at Marilyn Cabugnason, 31, pawang taga-Barangay San Bartolome, Sto. Tomas, Batangas, sanhi ng mga sugat sa iba't ibang bahagi ng katawan.

Sa paunang ulat ng General Trias City Police, ang insidente ay naganap sa Sitio Carapiohan, Brgy. Santiago, dakong 2:15 ng hapon nitong Mayo 12.

Ang mga biktima ay sakay ng isang kotse patungong Sitio Carapiohan nang biglang sumulpot ang mga suspek na armado ng hindi batid na kalibre ng baril at pinaulanan ng bala ang nasabing kotse bago tumakas patungo sa hindi matukoy na lugar.

Probinsya

Higit 1 buwang nawawala: Mangingisda mula sa Quezon, inanod sa Batanes!

Nagsasagawa ng follow-up operation ang awtoridad para sa posibleng pagtukoy sa pagkakakilanlan at pagkakaaresto ng mga suspek.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang kaso.