Ibinahagi ni Kapamilya party-list nominee at dating writer ng ABS-CBN na si Jerry Gracio ang litrato nila ng award-winning Kapamilya actress na si Charlie Dizon, nitong Mayo 6.

"Our Viral best actress, our bebe girl is in in Valenzuela for #LeniKiko & #101KapamilyaPartylist!" pahayag ni Jerry, na nakaranas ng pagkahilo at pamamanhid ng mukha kaya naitakbo sa ospital at pinayuhang magpahinga ng doktor.

https://twitter.com/101Kapamilya/status/1522573653195784192

Makikita si Charlie na nakasuot ng pink outfit at naka-heart sign. Siya ang bida sa teleseryeng 'Viral Scandal' sa Kapamilya Network, kung saan, si Jerry Gracio ang isa sa mga nagsulat.

Ngayong Mayo 7, muling pinasalamatan ni Jerry si Charlie.

"Nahihiya talaga ako sa mga kakilala at kaibigang artista na humingi ng endorsement para sa #101KapamilyaPartylist. Kaya noong magsalita si Charlie kagabi sa stage para magkampanya not just for #LeniKiko but us, naiyak ako. Salamat bebe girl. ❤️ ka namin," aniya.

https://twitter.com/JerryGracio/status/1522736468401164288

Umani naman ito ng iba't ibang reaksyon at komento mula sa mga netizen.

"The only Teddy we want. Hinay permi, Sir Jerry."

"Charlie Dizon? OMG!! I loved her acting sa Viral Scandal. Actually hooked ako sa Viral Scandal. Ang ganda ng show!!"

"Wow Rica Sicat!"

"Ang Teddie na Kakampink hahahaha…"

Si Charlie ang gumanap na 'Teddie Salazar' o teenager version ni Toni Gonzaga sa prequel ng 'Four Sisters and a Wedding', na pinamagatang 'Four Sisters Before The Wedding'.

Four Sisters Before the Wedding
Charlie Dizon, Alexa Ilacad, Gillian Vicencio, Belle Mariano, at Clarence Delgado (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Kamakailan lamang ay nauungkat na naman ang kaliwa't kanang memes ng pelikula dahil sa pagiging Kakampink ng marami sa mga cast nito gaya nina Angel Locsin (Alex Salazar), Shaina Magdayao (Gabbie Salazar), Enchong Dee (Reb-reb/CJ Salazar, Carmi Martin (Jeanette Bayag), Boboy Garovillo (Honey Boy Bayag), at si Bea Alonzo (Bobbie Salazar).

Four Sisters and a Wedding': No special occasion
Toni Gonzaga, Angel Locsin, Enchong Dee, Bea Alonzo, at Shaina Magdayao (Larawan mula sa ABS-CBN Entertainment)

Mabilis na naiugnay ng mga netizen ang plot at suliranin ng pelikula sa mga pangyayaring politikal sa bansa, lalo't sa 'Salazar siblings' ay tanging si Toni lamang ang nasa panig ng UniTeam.