Matapos ang matagal na paghihiwalay, muling nagsama-sama ang magkakapatid na Aika, Tricia, at Jillian Robredo para ikampanya ang ina na si Leni sa pagkapangulo.

"Powerpuff girls back in full force! Started our Easter Sunday at the Naga City Public Market. Tuloy-tuloy pa rin tayo at itodo na ang #TaoSaTaoParaKayRobredo!" Tweet ng panganay na si Aika.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

https://twitter.com/aikarobredo/status/1515537390323965959

Kinilala rin ni Aika ang pagkilos ng mga volunteers na nagsasagawa ng house-to-house para ibenta si Leni sa publiko.

"Kaya ba natin ang 1M volunteers na mag-H2H sa bday ni Mama Leni sa April 23? Invited lahat!" Dagdag pa nito.

"Complete for the first time! Palengke run kaninang umaga sa Naga City People’s Mall Last 22 days! Tuloy-tuloy pa rin po ang #TaoSaTaoParaKayRobredo," ani Jillian sa kanyang Twitter.

https://twitter.com/jillrobredo/status/1515544997214388224

Kasabay naman ng selebrasyon ng Linggo ng Muling Pagkabuhay ay ang masayang salu-salo ng tanghalian kasama ang Sumilao farmers, na kasalukuyang nagsasagawa ng 'Walk for Leni-Kiko.'

Basahin: Sumilao farmers, nagmartsa mula Mindanao patungong Luzon para sa Leni-Kiko tandem

Matatandaang naghiwa-hiwalay ang magkakapatid upang ikampanya si Leni sa iba't-ibang parte ng bansa, gayundin sa New York kung saan ay isinagawa ang "Walk for Democracy" noong Marso 27 na siya namang dinaluhan ni Jillian.